~~~>> Maraming pamana ang iniwan satin ng ating mga ninuno, Ngunit Pinapahalagahan ba natin ang mga yon? Diba`t mas moderno na ang pamumuhay ngayon?
Isa ba yung dahilan upang kalimutan natin ang Mga Kulturang, Ninuno natin ang Bumuhay?
Napakabilis nga naman ng Panahon, Napakaraming Pagbabago, at sa mga pagbabagong iyon ay nababaon na rin sa limot ang mga pamana sa atin.
TAMA BA YON??
Maraming pamana noon ang binabaon na ngayon sa limot dahil sa nadadala tayo ng modernong panahon.
-Isa lang yan sa mga Pagbabagong Nagaganap Sa Kasalukuyan Na dapat nating "IWASTO"
Dahil Sayang naman ang mga pamanang iyon kung hindi natin pahahalagahan. Maraming tao kasi ngayon na hindi ito iniisip palibhasa`y masaya na sila sa natatamasa nila ngayon at nawawala sa isipan nila na marami pang mas magagandang Yaman ang hindi nila nabibigyan ng Importansya.
Dapat Nating I-Appreciate ang mga simpleng bagay na pinamana sa atin tulad ng sa
"Pag uugali" sila ang nagturo sa ating gumalang pero diba`t karamihan sati`y di na taglay ang katangiang iyon?
Nalilimutan na natin ang kagandahan ng mga sinaungang instrumento tulad ng Banduria, Octavina, Gongs , Agungs, At marami pang iba..
Ang Laruang "Trumpo" diba`t naging mas moderno narin ito ngayon? Ito ay naging "BeyBlade" na mas tinangkilik ng marami.
|
|
V
Sa mga "Paniniwala" diba`t napakaraming makakabuluhang kasabihan silang nailathala ngunit ngayo`y hindi na natin nabibigyang pansin, Minsan pa nga`y binababoy ang mga Kasabihang ito. Tulad ng "Ang Taong Di marunong Lumingon sa Pinanggalingan ay Di Makakarating Sa Paroroonan" na Ngayo`y may Bersyon na "Ang Taong Di Marunong Lumingon sa Pinanggalingan ay Ako Ang Tinitignan" Ang Panget diba?? Naiiba na ang mensaheng nais ipabatid ng Kasabihan.
--Isa lang Ang Ibig sabihin nito, "Hindi rin natin mararamdaman ang Magandang buhay ngayon kung hindi rin dahil sa mga Ideya at Katalinuhan ng Ating mga Ninuno". Dahil sa Kanila din nanggaling ang mga bagay na ginawa lang na mas moderno ngayon.
~~~~>> Ilan lng yan sa Mga Pagbabagong nagaganap sa Kasalukuyan na dapat nating Iwasan hindi naman yung talagang iiwasan kumbaga eh kahit nadadala tayo ng mga Modernong bagay eh pahahalagahan parin natin ang mga pamana sa atin.
"Dahil Ang Mga Pamanang Iyan Ay Mga Kayamang Hindi Matutumbasan Nang Kahit Anung Halaga"